Leave a Message @ Ranaw
| DALAWAMPO’T DALAWANGS KATANUNGAN PATUNGKOL SA BANGSAMORO STRUGGLE |
|
|
|
| Written by Moro Jasan | ||||
| Monday, 04 January 2010 | ||||
|
1) Ano ang Bangsamoro o Moro?
Ang Bangsamoro o Moro ay nagmula sa salitang MOORS. Ang Moors ay siyang tawag sa mga Muslim sa Al-Andalus ( The land of the Vandals) o mas kilala sa tawag ngayon bilang Spain . Noong 711 AD ay nagsimulang ipalaganap ni Abdul Rahman I ang mga salita ng panginoong Allah sa Spain . At noong 719 AD ay nagtagumpay sa tulong ng Panginoon si Abdul Rahman, tumagal ng halos 800 years ang pananatili ng Islam sa Spain .
Noong 1571 ay dumating sa Manila si Miguel Lopes de Legaspi, isang Espanyol. Sa ilalim ng pamahalaan ng Spain ay pinagharian ng mga sundalong Espanyol ang Luzon at Visayas at sabay tinawag ang mga Muslim bilang Moors o Moro.
2) Tama ba na tawagin tayong Filipino-Muslim?
Isang malaking kabastosan sa mga Muslim na tawagin silang Filipino-Muslim. Dahil si King Philip II ng Spain na kung saan ipinangalan sa Pilipinas at sa mga Pilipino ay Apo nina Queen Isabel of Castile at King Ferdinand of Aragon . Ang kanyang mga Lolo at Lola ay siyang nanguna upang burahin sa mapa at history ng Spain ang Islam. At ang kanyang tatay na si King Charles V, ang Emperador ng Holy Roman Empire ay pinakamalaking kaaway ng Islam.
Nakakatawa sa ating pandinig na ang mga Muslim ay tinatawag din nila ang kanilang mga sarili bilang mga Christiano, O Christian-Muslim. Ang mga Christian ay hindi nila tinatawag ang kanilang sarili bilang Filipino Christian dahil alam nila na ang Filipino ay sumisimbolo bilang Christian.
3) Mahal ba ng mga Pilipino ang mga Bangsamoro?
Hindi, dahil binanggit ng Panginoon sa ilalim ng Qur’an na mamahalin lang daw tayo ng mga kaaway ng islam kung tayo ay papasok sa kanilang Relihiyon. At ito ay nakikita natin sa iba’t ibang klasing pang-aapi nila saatin.
4) Ang Bangsamoro ba ay isang Nation?
OO, Ang Bangsamoro ay isang Nation. Dahil ang Nation ay mga tao na nakatira sa iisang lugar, bayan, o bansa na iisa ang kanilang mga ninono, history, religion, at kultura. Tayo ngayon ay nakatira sa iisang lupa, ang Bangsamoro Homeland, iisa ang ating pinanggalingan, nakaraan, religion, at Kultura.
5) Ano ang mayroon ang Mindanao bago ang mga Espanyol?
Ang Mindanao bago dumating ang mga Espanyol ay masayang tinitirahan ng mga Muslim, sila ay malayang naipapatupad ang mga batas ng qur’an sa lahat ng mga tao. Sila ay binoboo ng labing tatlog mga ethno linguistic groups sa ilalim ng mga Muslim Sultanates of Sulo, Maguindanao, Kerajaan of Buayaan at ang apat na pangampong of Ranao.
6) Ano ang nangyari sa mga Bangsamoro matapos silang sakopin ng mga tao sa Luzon ? Noong panahon ng 1903 pataas ay 97 percent ng mga lupain sa Mindanao ay pagmamay ari ng mga Bangsamoro. Ngunit noong dumating ang mga mananakop sa Manila , lumikha sila ng mga batas tulad ng Public Act No. 926 upang maagaw nila ng libre ang mga lupain ng mga Bangsamoro. Sa kasamaang palad, ngayon, ang mga Bangsamoro ay 17 percent lamang ang Lupain na natitira sa kanila. At 90 percent sa kanila ay walang lupain.
7) Ano ang pamumuhay mayroon ngayon ang mga Bangsamoro?
Ang mga Lupain na ninakaw sa mga Bangsamoro ay sadyang lumiwanag ng kasing sikat ng araw, ngunit sa kasamaang palad ang tunay na nagmamay-ari nito ay nagtitinda lamang sa mga gilid ng kalsada, at sila ay hinahabol pa ng mga Police ng mga taong kumamkam sa kayamanan ng mga Moro dahil ang pagtitinda sa gilid ng kalsada ay ipinagbabawal ng batas ng mga taong mandaraya.
8) Ano ang legal basis ng pagiging sakop ng mga Bangsamoro?
Unang legal basis ay ang 1935 Constitution, kung saan nakasaad dito na ang Pilipinas ay binubuo ng lahat ng territory na nasakop ng mga Espanyol na kung saan ay ibininta naman nila sa mga Amerikano. So malinaw doon na dahil sa hindi kailan man tayo nasakop ng mga Espanyol, ibig sabihin ay hindi tayo kasali sa mga ibininta sa halaga ng 20 Million Dollars ng mga Espanyol.
So papaano tayo ngayon nasakop? Nasakop tayo dahil sa karahasan ng mga Amerikanong iyan, at nakalagay ngayon sa 1935 Constitution na lahat ng territory kung saan ang kasalukuyang pamahalaan ay naigogovern nila ang kanilang mga batas ay kanilang sakop. Yan ay napakalinaw na tumutukoy sa Bangsamoro homeland.
Ikalawang Legal basis ay ang Preamble ng 1987 Constitution kung saan mga FILIPINO lang ang binanggit, hindi kasali ang BANGSAMORO.
9) Ang Democracy ba ay makabubuti sa mga Bangsamoro?
Hindi, dahil ang kinikilala lang bilang karapatan ng mga tao sa mata ng Democracy ay ang mga nakararami. Ibig sabihin dahil sa ang Bangsamoro ay di hamak na maliit lang kumpara sa bilang ng mga Christian, ang mga karapatan ng Bangsamoro ay naibabasura sa tuwing sila ay magbobotohan sa Congreso.
10) Bakit hindi kasali ang Bangsamoro sa mga guhit ng araw ng watawat ng Pilipinas?
Dahil noong 1897 na lumaya ang mga Pilipino sa kamay ng mga Espanyol ay malayas, masaya, at tahimik na namumuhay ang mga Bangsamoro sa Mindanao. Sila ay hindi sakop ng mga Espanyol. Dahil doon hindi nila kailangan makipaghimaksikan laban sa mga Espanyol. 11) Bakit sinakop at ayaw pitawan ng mga Pilipino ang Bangsamoro Homelands?
Una, dahil nais nilang ipalaganap ang kanilang Relihiyon sa mga Bangsamoro, at tuluyan nang mabura ang Islam.
Ikalawa, dahil mayaman sa resources ang Mindanao tulad ng Gas at Oil at nais nila itong kamkamin.
12) Ang Democracy ba ay pwede sa Islam?
Hindi, dahil sa Democracy ay nasusunod ang kagustuhan ng mga tao, ang kanilang gustong batas ang siyang namamahala sa mga tao. Ngunit sa Islam ay tanging Qur’an lamang ang siyang pweding gamiting batas ng mga nananampalataya sa Panginoon. Ang sinumang gumamit ng ibang batas tulad ng Revised Penal Code ay Jahiliyyah.
13) Ang Revised Penal Code ba na ipinalit natin sa Qur’an ay inaapakan, nilalabag, at binabastos ang karapatan ng mga Babae?
OO. Dahil ayon sa Revised Penal Code, adultery ay isang babae na may asawa na nakipagtalik sa ibang lalaki. At ang concubinage ay isang lalaki na may asawa na itinira niya ang kanyang kabit sa kanilang bahay, o nakipagtalik sa kanyang kabit sa paraan na sacandalous, o tumira sila ng kanyang kabit sa iisang bobong. Ibig sabihin ang pakikipagtalik ng lalaki ng kahit ilang beses sa ibang babae, basta lang hindi lumalabag sa mga nabanggit sa taas ay hindi krimin. Ngunit dahil sa pantay pantay ang pagtingin ng Panginoon sa kanyang mga nilikha, ang parusa at paglabag sa kasal ng mag-asawa babae man o lalaki a pareho sa ilalim ng Qur’an.
14) Ang Batas ng Qur’an ba ay maka tao o hindi?
Ang batas ng Qur’an ay makatao sapagkat ito ay nilikha ng panginoong maawain sa kanyang nilikha. Hindi katulad ng batas ng mga tao na kung minsan ay makabubuti sa mga nakakaraming taong gumawa nito ngunit ito ay makakapinsala sa minority. Dahil nilikha ito para sa interest ng mga taong nasa likod nito.
15) Ano ba ang Relihiyon ng 1987 Constitution?
Ang Relihiyon ng 1987 Constitution ay Christianity. Dahil ayon sa Art. II, Sec. 1 ng nasabing batas ay ang Pilipinas daw ay isang Demokratik na Bansa. Dahil sa ang Democracy ay parating nananaig ang kagustuhan ng marami, at ang marami ay pinili ang Christianismo bilang kanilang Relihiyon, ang Relihiyon ngayon ng saligang batas ay Christianity.
16) Ano ngayon kung ang Relihiyon niya ay Christianity?
Ito ay Shirkol Akbar, dahil sa tuwing nananalo ang mga kandidato, kasali na doon ang mga Ulama ay nanunumpa sila na kanilang poprotiktahan ang nasabing batas. Ibig sabihin kapag pinotriktahan mo ang batas nayan ay ang Relihiyong Christianismo ang na Protiktahan mo.
17) Ang Constitution ba ay naapakan niya ang Qur’an?
OO, Dahil ang kataas taasang batas ng Pilipinas ay ang nasabing Constitution hindi ang Qur’an. Ibig sabihin ang gamit lamang ngayon ng Qur’an ay parang lyrics ng kanta. Ayon pa sa Organic Act ng ARMM ay maari daw e apply ang mga batas sa Qur’an sa ARMM ngunit dapat ito ay naaayon sa Constitution.
18) Tayo ba ay mga Muslim na maituturin ngayon?
Hindi, dahil sa binanggit mismo ng ating panginoon sa Qur’an na maituturin lamang Muslim ang isang tao kapag siya ay naniniwala sa lahat na binanggit ko sa Qur’an (Surah 4, Ayats 47, 48, and 50).
Ayon sa Surah 1, Ayat 40: ang Panginoong Allah ay siya ang namamahala sa mga tao.
Ayon din sa Surah 4, Ayat 59: ang mga Muslims ay dapat sundin ang mga utos ng panginoon sa Qura’an.
Dahil sa napakalinaw na sa kasalukuyang panahon ngayon ay inaapakan, winawasak, at pinupunit natin ang mga salita ng Diyos, at patuloy tayong sumusunod sa mga batas na nilikha ng mga tao, tayo ay hindi maituturin bilang mga Muslim.
19) Ang Jihad ba ay unconstitutional?
Hindi, ito ay naangkop sa saligang batas. Dahil ayon sa Sec. 5 ng Art. III ng saligang batas ay malayang makakapili at magagawa ng mga tao ang kanilang pagsamba sa kanilang Panginoon na walang discrimination.
Ayon sa Surah Ma’ida, Ayah 4: Ang pamamaraan lang ng pamomohay ng mga Muslim ay kung ano ang nakasaad sa Qur’an.
Dahil sa isa sa pamamaraan ng pagsamba sa Panginoon ay Jihad kapag ito ay kinakailangan, ang Jihad ay hindi labag sa batas.
20) Nilabag ba ng Pamahalaan ang kanilang sariling batas?
OO nilabag ng pamahalaan ang kanilang sariling batas.
Dahil sa ilalim ng Art. II, Sec. 2 ng Constitution ay sinasabi na ang Pilipinas ay kanyang ibinibilang sa kanyang mga batas ang mga generally accepeted principles of international law. Nakasaad naman sa International law na dapat bigyan ang mga nation na humihiling ng kanilang kalayaan.
Dahil sa hinihiling ng Bangsamoro na sila ay lumaya at maipamuhay nila ang nakaaad sa Qur’an at ayaw naman ito ibigay ng Pamahalaan, ang Pamahalaan ay nilabag nila ang kanilang Batas.
21) Ano ang Bangsamoro Struggle?
Ang Bangsamoro Struggle ay pakikibaka ng mga Muslim upang gawing kataas taasang batas ang mga salita ng Panginoong Allah.
22) Para saan ang Bangsamoro Struggle?
Ang Bangsamoro Struggle ay para sa mga sumusunod: land for the peasants, factory for the workers, bread for the poor, respect for the senior citizens, freedom and democracy for the intellectuals, love and honesty for the women, and justice and peace for all. Add as favourites (30) | Quote this article on your website | Views: 481 | E-mail
Only registered users can write comments. Powered by AkoComment Tweaked Special Edition v.1.4.6 |
||||
| Last Updated ( Monday, 04 January 2010 ) | ||||
| < Prev | Next > |
|---|


















