Leave a Message @ Ranaw
| WASAK NA PANGARAP TUNGO SA MALAYANG KINABUKASAN |
|
|
|
| Written by Moro Jasan | ||||
| Sunday, 29 November 2009 | ||||
|
UNANG KABANATA Ang pusong kulay itim Isang magandang umaga na kung saan ang bawat isa ay abala sa kanyang hanap buhay. Umagang magbibigay ng pag-asa sa bawat pangarap. Mga pangarap na hinasa sa maraming pagsubok, ngunit karamihan rito ay nakakamtan, nararanasan, at naikakasatuparan lamang sa pamamagitan ng panaginip sa tuwing gabing natutulog ang maraming nangangarap. Ang maraming taong nakasakay sa lumang luma, mabagal at mausok na bus na papuntang Cagaya de Oro City ay lahat may baong pangarap at pag-asa na sana gumanda ang takbo ng kanilang buhay. Ang kanilang emahinasyon ay patungo sa kamaynilaan, ang iba ay mag-aaral, ang iba ay mag-aabroad, yong iba ay aatend ng board exam, at ang iba naman ay maghahanap buhay. Isa sa mga pasahero ng bus ay si Salahodin kasama ang kanyang kapatid na babae na si Ayesha, sila ay mga Balik-Islam (MORO), ngunit ang kanilang pagmamahal sa panginoong Allah ay hindi mapapantayan nino man. Dahil doon ginogol nila ang kanilang buhay sa pagsagip sa mga nasalanta ng gyera sa Sulo, Maguindanao, Lanao, at ibang mga lugar na kung saan ang gyera sa pagitan ng MILF at mga sundalo ay talamak. Habang ang maraming pasahero ay nagsiksikan kasama ang mga dala nilang bagahi at ang mga naki sakay lamang, sinusunog sila ng init ng araw, ang ibat ibang klasing amoy ay nakapalibot sa kanila, at mas mabilis pa ang takbo ng bisiklita kay sa bus nila. Di kalaunan ay biglang huminto ang kanilang bus sa kalagitnaan ng mga kahoy at walang malapit na bahay, dali daling tiningnan ng tsuper ang makina kung ano ang problima, natuklasan niya na kailangan lang pala ng tubig, ngunit siya at ang mga pasahero ay walang dalang tubig. Bumaba ang karamihan upang makahanap ng tubig. Habang nakatayo sa gilid ng kalsada ang mga kalalakihan, sila ay nabigyan ng pag-asa ng matanao nila sa di kalayoan ang tatlong magkakasunod na magagarang sasakyan. Sakay ng Pajero na nasa unahan ang asawa ng isang Congressman na kilala sa pangalang Donya at ang dalawang kasunod ay mga kumboy lamang. Ang sabi ng mamang driver, ma’am ano po tutulongan po ba natin sila? Ang sabi ni Donya hey!!! Di mo ba alam na nagmamadali tayo, wag mong pansinin ang mga patay gutom nayan, malayo pa ang election, isang sampal lang ng pera ko sa mga yan pagdating ng butohan. Pumanao ang mga ngiti sa mukha ng mga kalalakihang na nais batiin at sabik makita ang kanilang iniidolong congressman ng hindi man lang huminto ang tatlong sasakyan. Si congressman yun ah, bakit di man lang tayo pinarahan? Baka hindi siya ang nakasakay, Ah baka nagmamadali, sabi ni Khattab na anak ng isa sa mga magigiting na Kumander ng MILF. Nagpakahirap ako noong election para lang sakanya, huminto ako sa pag-aaral para lang maipandikit ko ang kanyang karatula tuwing gabi sa lahat ng lansangan, tiniis ko ang lamig, antok, at panganib sa mga daan tapos muntik na akong sagasaan kanina, ang paluhang sinasabi ni Khattab. Di nagtagal ay dumaan at pumara sakanilang harapan ang sasakyan ni Nur, isang matalinong abogado, matapang, at may paninindigan para sa mga kapwa niyang Moro. Ang tanong ni Nur sakanila, ano ang problima? Dali daling sumagot si Khattab na kailangan lang po namin ng tubig. Ah akala ko kung ano, ito sa likod ng kutse hiramin niyo muna ang tubig jaan, ang sabi sakanila ni Nur. Pitong oras bumiyahi ang bus mula sa Marawi papuntang Cagayan City. Halos lahat ay sumakay ng bapor papuntang Maynila, samantalang dahil sa may nagbayad ng tiket nina Salahodin at ayesha sila ay makakasakay sa unang besis lamang sa buong buhay nila ng tinatawag na eroplano. Si Donya ay nag-papakahangin muna sa SM habang hinahantay pa ang kanyang flight. Isa at kalahating Oras lang ang inilarga nila mula Marawi tungo sa Cagayan City. Ano ba ito, yaaakh, wala ito sa Mall Of Asia, bakit ang daming Maranao dito, hindi man lang sila nahiya naka kumbong pa sila, ang pabulong na sinasabi niya sakanyang kasama. Si Salahodin at ang kanyang kapatid ay dumiritso sa paliparan, lumapit sa kanilang kina-uupoan si Khominie isang mangangalakal na nais ipagpatuloy ang kaniyang hanap buhay sa Maynila. Salam sabi ni Salahodin, mukhang marami ka atang bagahi ah? OO sabi ni Khominie, ibibinta ko sa Maynila ang mga ito at ang kita ay gagamitin ko sana sa pagtitinda ng DVD. Oh, eh bakit di kanalang magtinda sa Marawi? Ang tanong sakaniya ni Salahodin. Napayuko ng kunti si Khomonie, napahiran ng longkot ang kaniyang mga mata at sabay kinamot ang kaniyang ulo. Gustohin ko man sana, at mahirap man sa aking damdmin na mawalay sa mahal kong asawa at mga anak, kailanagn kong magtiis sapagkat ang Marawi ay tanging malalakas lamang ang maaring mamuhay doon, ang mahihina ay namanatay na walang kalaban laban. Mayroon kaming munting karinderiya sa Banggolo noon, ngunit sa kasamaang palad ay nilimas lahat ng mga naipundar namin ng mga masasama ang loob. Tapos habang ako ay papunta sa Masjed para magsambayang ng Isha, dala dala ko ang aking 1911, colt 45, para kako pananggol ko sa sarili ko, biglang pumara ang mga sundalo at walang awang inagaw sa bag ko ang katangi tanging kakampi ko sa oras ng pangangailangan. Habang ang mga tulisan ay maydalang armas kaming mga mamayan ay tanging pananalig lamang kay Allah ang aming dala. Ang mga pulish at mga taga munisipyo o probinsiya ay tila pikit mata sa mga karumal dumal na kriming nangyayari sa ating inang bayan. Nakasakay na sa eroplano ang mga pasahero habang hinihintay pa ng kapitan sina Donya, Sultan Dikapuno na halos lahat ng angkan ay angkan niya, ang mga ninuno niya ang Sultan sa lahat ng apat na pangampong sa Ranao. At si Gobernador Aleemician, kasama ang mga ibang Ulamician (mga ulama at mga politiko rin). Umopong magkakatabi sa harapan ang mga niririspitong lider ng mga Muslim, habang ang kanilang mga body guard ay sa likod nila. Dikalayoan sa kabilang upoan ang kinaroroonan ni Salahodin at ang kaniyang kapatid, katabi nila si Osama ang isang kabataang gitarista at singer na nangangarap na sumikat din sa telibisyon sapagkat naniniwala siya na masmagaling siya kaysa mga singer na nakikita sa telibisyon. Sa kanilang likoran si Khominie at katabi naman niya ang magkapatid na sina Jerom at Jenny, sila ay malaking angkan sa Marawi, at ang kanilang mga magulang ay nasa abroad. Pupunta ang magkapatid sa Maynila upang mag-aral. Pinag-uusapan ng tatlong lider ang Baclaran Demolition. Haa!!! Buti nga sakanila sabi ni Donya, nakakasira lang sila sa mukha ng Kamaynilaan, nagtitinda sila ng mga DVD, illegal drugs, at kung ano ano pa ang kalaswaan ang kanilang ginagawa. Ehh, Kinahihiya ko talaga sila, ang dapat sa kanila ay patayin lahat, o ekolong, o dikaya ay pauwiin sa kani kanilang lugar. Ang sabi ni Gobernor Aleemician, ang masakit doon ay bakit nila winasak yong Masjid, at pinagbabaril ang mga tao? Nakapatay sila ng tatlong tao at pito ang malubhang nasaktan dahil sa insidenti. Haynakuhh, mahina ka talaga sa batas Gobernador, ang sabi ni Donya, hindi mo baa lam na ang mga MUSLIM nayan ay mga eskuwater kaya nararapat lang na gawin ang pamahalaan kung ano ang dapat. Ang sabi ni Sultan Dikapuno na bakit hindi ipinakita sa medya? Kapag ang mga kapatid nating Christian ang ginigibaan ng bahay nababasa at napapanood to sa mga pahayagan, ngunit bakit kapag mga Muslim tila tikom ang bibig ng mga Midya? Para saan!!! ang sigaw ni Donya, na parang galit nag alit na, mataray niyang sinabi kay Sultan Dikapuno na kapag napanood payan ng mga terroristang mga MUSLIM nayan baka Bombahin pa ang kamaynilaan. Naririnig sila ni Salahodin at dumogo at gumoho ang kanyang puso, nasa isip niya na wala na palang justice dahil kung ang mga lider namin ay walang magawa, kami pakaya na walang wala sa buhay. Sana ay may isilang na isang matatag, matapang, malakas, at matalinong lider na Muslim, na kayang ilagay sa tama ang lahat ng mga mapait na tinatamasa natin sa Mundong ito. Add as favourites (41) | Quote this article on your website | Views: 401 | E-mail
Only registered users can write comments. Powered by AkoComment Tweaked Special Edition v.1.4.6 |
||||
| < Prev | Next > |
|---|

















