|
Ang klasi ng mga tao na nabubuhay sa mundong ating kinatitirikan sabi ng mga dalubhasa ay maaring hatiin sa dalawa, ang una ay ang tinatawag nilang PINONO at ang pangalawa ay ang tinatawag nilang ALILA. Simpli lang ang kanyang kahulugan, kung ikaw ay walang ibang gawain kundi utosan ang mga tao sa paligid mo ikaw ay isang mapalad na nilalng sapagkat kaanib ka ng mga NAMUMUNO ng ating kasaysayan, subalit kung ang boong buhay mo ay ginogod mo sa pagsunod sa mga utos ng lider ng ating lipunan, masakit mang tanggapin ngunit kailangan mong kabayan ang sarili mo sa isang madamdaming katutuhanan na ikaw ay nabibilang sa mga antas ng ALILA.
Ang pagkakaroon ng mataas na pinag-aralan ay hindi nangangahulugan na ikaw ay nabibilang sa baitang ng mga pinono, dahil may mga pangyayari na kung saan tumatanggap ng utos ang isang nakapagtapos ng abogasya sa mga opisyalis ng pamahalaan na sa kasamaang palad ay kahit sa ilementarya ay hindi nakapagtapos.
Ang pagiging mayor ng isang bayan o dikaya ay prisidenti halimbawa ng isang organisasyon ay hindi ka segurohan na ikaw ang namumuno sa mga kaanib ng inyong samahan, may mga pangyayari o pagkakataon na mas pinapaboran ng mga kasama ang desisyon ng isang simpling miyembro lamang ng samahan kay sa prisidenti, dahil doon siya ang naituturing tagapangasiwa ng samahan.
Tuklasin natin ang mga sanhi kung bakit ngiging ALILA o PINONO ang isang tao, dahil ako ay lubosang naniniwala na ang kapalaran ay dumidipindi sa kagustohan ng mga tao, MALIBAN SA KAGUSTUHAN NG PANGINOON. Kung nais mong maging bayaning maituturin sa mga libro pagkalipas ng maraming panahon, aralin mo ang mga ugali ng mga taong itinuring o tinawag na bayani ng nakaraan kung saan hanggang ngayun ay ating pinaniniwalaan. Subalit kung ang tanging kagustuhan lamang ng iyung puso ay manatiling UTOSAN lamang, pagsilbihan mo ng tapat ang mga LIDER pagkat ang buhay mo ay walang hiyang umaasa lamang sakanila.
Kung kasama sa mga panaginip mo ang mga pangalang Ayatollah Komini, Salahuddin Ayobin, Khalid bin Walid, Muammar Gadaffi, Che Guivara, Lenin, at kung sino sino pa na mga taong nagsilbing hagdanan ng ating mundo patungo sa pagbabago, magpasalamat ka dahil lubhang napakadali maging katulad nila.
Dapat mo lang intindihin ang mga bagay na gusto ng mga tao o isang tao sa kapwa tao, kapag naipakita mo yan sakanila o sakaniya ng boong puso at walang halong pag-aalinlangan, mamahalin, iibigin, at irerespeto nila ang mga pasya mo, dahil doon magbigay pugay kana sa sarili mo pagkat kanilang susundin ang lahat ng mga naiisip mo. Dapat mong isa alang-alang na ang mga tao na lumilibot sa kapaligiran mo ay mga taong may mga pangangailangan, matanda, bata, mayaman, o mahirap sila ay nagiging masaya kapag ang mga bagay na kanilang inaalala ay nabibigyan ng lunas. At ang taong nakapagbigay sagot sakanilang problima ay walang alinlangan na tatatak sa kanilang isapan at puso.
Ang mga nilalang na mas mataas saatin ng isang puntos sa buhay katulad halimbawa ng mga matatanda, magulang, guro, boss, o kung ano paman jaan ay naiimpress sila sa mga maliliit na nilalang kapag ito ay SUMUSUNOD sa lahat ng kanilang ipag-uutos. Kaya ang may ipapayo ko sayo ay parating sundin ang mga nakatataas, wag umayaw o sumalongat man sakanila dahil hindi ito makakaganda sayo. Balang araw kailangan mo rin ang tulong nila sa ibat ibang paraan, halimbawa kailangan mo ma promote o humingi ng pabor, sila ay dalidaling tutulong sapagkat maganda ang naipakita mong Gawain sa kanila. Tandaan na ang pagsunod ay hindi panghabangbuhay, sumusunod ka dahil balang araw ay susundin Karin ng mga tao.
Ang mga ordinaryo o kaantas natin sa buhay, ganoon din sa mga mas matataas satin ay kinikilig sa mga taong kanilang NAPAPAKINABANGAN. Napapakinabangan mo ang mga kapitbahay mo sapagkat nakakatulong sila sayo sa oras ng pangangailangan mo at ganoon ka din sakanila, ang mga kaibigan mong nasa position ng pamahalaan ay malaking pakinabang sayo dahil sa oras ng kagipitan nakakalapit ka sakanila at ganoon ka din sa mga kaibigan mo. Ang ibig sabihin dapat panatilihin sa isipan ng mga tao na ikaw ay may pakinabang.
Ang mga taong parating NAKAKAPAGBIGAY SAYA sayo ay parati mong iniisip, magaan ang loob mo kapag siya o sila ay kasama mo. Halimbawa ay ang mahal mo sa buhay ang asawa o kasintahan, siya ay parating nagsisilbing inspirasyon sayo. Ang mga matalik mong kaibigan at malalapit na kamag-anak, hindi mo nga sila napapakinabangan o napapasunod ngunit napapasaya kanaman nila kapag kayo ay magkakasamang nagtatawanan, nagkukuwentohan, nagdadamayan, at ngbibigayan ng payo. Ang ibig sabihin ay dapat parating pinapasigla ang mga kaibigan, kakampi, at kakilala sa pamamagitan halimbawa ng hindi maubos ubos na katatawanan na nangagaling sa utak mo, pagbibigay ng solusyon sa mga problima nila, at marami pang ibang pamamaraan.
Ang mga tao kapatid ay nawawalan ng gana, respito, at paghanga sa kapwa tao kapag MASAMA ANG LOOB NITO SAKANYA. Ibig sabihin kailangan mong malaman kung ano ano ang mga bagay na hindi gusto ng mga taong lumilibot sayo, at wag na wag mo itong gagawin sakanila.
Ang apat na binanggit kong doktrina ay sumisimbolo lamang sa mga nag-uumpisa na maging tagapag utos ng kaniyang naiisip.
Dahil kung ikaw ay isanang pader na pinono, NAUUTUSAN ka ng mga tao kapag napagbibigyan mo ang mga kunting kahilingan nila, at dahil doon mastumitindi ang pagmamahal nila sayo bilang kanilang pinono.
NAPAPAKINABANGAN kanila kapag tapat at pantay pantay ang pagtrato mo sakanila, walang malaki o maliit.
NAPAPASAYA mo naman sila sa mga maliliit lang na bagay, katulad halimbawa sa pagbibigay pugay sa mga nagawa nila sayo, pagbibisita sa kanilang bahay kapag may problima sila, pagbibigay pansin sakaniya kapag maari kanyang ipagmayabang sa mga kasamahan niya bilang kaniyang kakilala.
At NAWAWASAK MO ANG KANILANG SALOOBIN kahit sa napakaliit lang na pagkakamali mo. Halimbawa ay dumating ka ngunit hindi mo man sila pinansin o kinamaayan, habang kumakain ka ay nagsasalita ka sa harapan nila, habang sila ay nakikipag-usap sayo ay bigla ka nalang aalis na walang paalam, hindi nakatingin o nakikinig sakanila habang sila ay nagsasalita, hindi pagbibigay ng tulong kapag kailangan nila at marami pang iba.
ANG PAGIGING MASUNURIN, KAPAKI PAKINABANG, AT MAPAGBIGAY SAYA AY MADALI LANG GAMPANAN, AT ANG PAGWASAK SA PUSO NG MGA TAO AY MADALI LANG IWASAN.
DAHIL ANG MGA SUSUNOD KONG SASABIHIN SAYO NA MGA KATANGIAN NG ISANG PINONO AY HUMIHINGI AKO NG KAPATAWARAN DAHIL TANGING TUNAY NA PINONO LAMANG ANG SIYANG MAY TAGLAY NITO.
Una ay MATAPANG na pinono, dapat ang isang sinasandalan ng mga tao ay kayang ipatupad ang mga batas na walang takot ninoman at kayang ipaglaban ang kaniyang nasasakopan sa kahit na anong panganib, paraan at kabayaran kahit ang kaniyang buhay.
Pangalawa ay MATALINO, ang ibig kung sabihin ay hindi matalino sa klasi dahil may magagaling na matatawag sa klasi tulad ng mga doctor, abogado, eninyero at marami pang iba, ngunit sila ay naging matalinong utosan lamang ng tadhana. Marami tayong scientist ngunit sino ba sila sa ating lipunan, sila ay inoutos utosan lamang ng mga hindi nakapag tapos ng elementary, sapagkat ang panghuli ay hindi nga magaling sa western na edukasyon ngunit may angkin na talino naman na wala sa iba. Halimbawa ay kayang kaya niya baliktarin ang pangyayari malutas lamang ang problima ng mga mamayan.
At ang panghuli ay CHARISMATIC hikanga nila sa salitang inglis. Kailangan nating tanggapin na ang mga tao ay madaling naniniwala sa mga taong may natural na naipagmamayabang.
Ang mga bayani ay naging bayani dahil sila ay tinawag ng mga tao bilang bayani, maraming mga tao na nagbuwis ng kanyang buhay at higit kung minsan ang mga nagawa nito kay sa mga natapos ng BAYANI na nakasulat sa ating mga libro ngunit sila ay sa kasamaang palad ay kinalimutan ng tadhana, simpli lang ang rason dahil hindi siya ginustong tawaging bayani ng mga tao.
Hindi dahil sa ikaw ay Gobernador, Congressman, o dikaya ay Mayor ng pamahalaan, o kasama sa mga tinatawag nilang student leaders na kung saan ay namumuno ng isang pangkat ay isa ka nang pinono na maaring matawag na bayani pagkalipas ng iyong buhay. Kung ikaw ay kasapi sa mga binanggit ko, ipagpatawad mo kaibigan ngunit ikaw ay ALILA O ALIPIN PARIN ng pamahalang bolok at ang mga taong nagsisilbing taga pangasiwa ng pamahalaan na kung saan ay mga TRAPONG politiko.
Ang tunay na DIWA at KAHULUGAN ng pinono ay maalalahanin, mapagmahal, at mapagkumbaba sa taong nagmamahal din sakanya. Dahil doon kapag ang mga ito ay INAAPI, INAAGRABIYADO, INAAPAKAN, SINASAKTAN AT PINAPATAY, dali dali itong makakaisip ng paraan upang labanan, gapiin, sugpoin, at puksain ang mga mang-aapi, at ang kanyang pamamaraan o idealismo ay imomongkahi niya sa kaniyang mga mahal sa buhay upang sila ay maliwanagan, at maintindihan ito ng boong puso at saganon ay walang pagdadalawang isip na pipila sila sa kaniyang likoran upang sundan ang mga yapak nito.
Dahil sa pagmamahal mo sa mga taong pinagsilbihan mo, sila ay magbabayad ng utang naloob sa pamamagitan ng pagtawag sayo bilang bayani at kanilang dakilang PINONO.
TANDAAN WAG MAGING ALILA… Be the first to comment this article | Add as favourites (39) | Quote this article on your website | Views: 454 | E-mail | Read more... |